World Slasher Cup semis sa Araneta Coliseum ngayon

LALO pang titindi ang mga world-class na paluan at kikigan ng mga manok panabong sa araw na ito sa paglarga ng semifinal round ng 2015 World Slasher Cup-2

8-Cock Invitational Derby sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Magsisimula ang aksyon ganap na ala-una ng hapon tampok ang 85 kalahok na pawang pumupuntirya na makuha ang ‘golden ticket’ papunta sa final round.

Handog ng Pintakasi of Champions, ang 2015 World Slasher Cup-2 ay ginaganap sa pakikipagtulungan ng Thunderbird Platinum at Petron. Ang mga media partners ay ang Gamefowl Magazine, SuperSabong, Cockpihan – Usapang Sabong sa Radyo, SabongTV, Cockfights Magazine, SabongNation, Sabong Star at Fightingcock Magazine.

Si Cong. Patrick Antonio (Sagupaan) ang nangunguna sa labanan na may apat na walang-talong entries mula sa kanyang 50/50 performance nitong Lunes kung saan siya umiskor ng walong panalo, pitong talo at isang tabla.
Mapalad naman na ang lahat ng panalo ay nagsamasama sa apat niyang entry.

Kasama rin sa mga inaasahan malaliyamado sina Gov. Ito Ynares na may 4-0 score sa kanyang Binangonan at Binangonan JM entries, gayundin si Engr. Rhemy Medrano na magaang nalampasan ang eliminasyon na may apat na panalo sa kanyang mga lahok na Tadem Karamba at Siglat Karamba.

Read more...