Mga lumang LRT-MRT cards magagamit pa rin

mrt-lrt

mrt-lrt


MAGAGAMIT pa rin ng mga pasahero ang kanilang stored value card sa Light Rail Transit at Metro Rail Transit hanggang tuluyan nang maipatupad ang bagong unified ticketing system sa LRT at MRT sa Setyembre.
“In the transition period, while we are gradually introducing the new system, we will still be utilizing the old one to sustain the needs of our commuters,” ani LRT spokesperson Atty. Hernando Cabrera sa panayam sa Radyo Inquirer.
Dinagdag pa ni Cabrera na magagamit pa rin ang mga single-journey ticket.
“Our old stored value tickets are valid until up to six months, so they will still be circulating by September. That’s why we will still open gates to accommodate old card holders as we introduce the new system,” dagdag ni Cabrera.
Sinabi ni Cabrera na maaaring mailipat ang natitirang load sa stored value cards sa bagong “tap-and-go” ticket.
“Commuters will have the option to buy tickets in the stations or at retailers outside of the stations, which may include convenience stores and other retailers that will be expressing interest later on,” dagdag pa ni Cabrera.
Nagkakahalaga ng P20 ang bagong tiket na magagamit ng 4 taon. (John Michael Tamayo)

Read more...