MULI na namang niyanig nang napakalakas na lindol ang Nepal.
Umabot nang 7.4 magnitude na pagyanig ang naitala ng US Geological Survey. Naitala ang epicente nito sa isang liblik na malapit sa hangganan ng China, sa pagitan ng Kathmandu at Mt. Everest.
Naganap ang pagyanig tanghali ng Martes, at ilang araw lang ang pagitan nang unang pagyanig na ikinasawi ng 8,150 katao at ikinasugat ng mahigit sa 17,000.
Dahil sa trauma na dinanas ng mga taga-Nepal matapos ang April 25 na lindol, nagsilabasan ang mga tao sa kani-kanilang bahay nang danasin ang matinding pag-uga ng lupa.
MOST READ
LATEST STORIES