ITINANGGI kahapon ni Correctional Institute for Women (CIW) officer-in-charge Dr. Idilinda Patac ang mga ulat na inatake sa puso ang tinaguriang reyna ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.
“That is not true. She’s fine,” sabi ni Patac.
Idinagdag ni Patac na bagamat may diabetes at hypertension si Napoles, kontrolado naman ang kondisyon ng kanyang kalusugan.
Inilipat si Napoles sa CIW matapos siyang mapatunayang guilty ng Makati City Regional Trial Court sa kasong serious illegal detention.
Noong isang taon, naoperahan si Napoles sa Ospital ng Makati kung saan tinanggal ang kanyang uterus at ovaries.
Noong Lunes, kumalat ang tsismis sa Sandiganbayan na inatake sa puso si Napoles.
Tinawagan naman ni Justice Secretary Leila de Lima si Bureau of Corrections (BuCor) chief Franklin Jesus Bucayu para iberipika ang ulat. Inquirer.net
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.