“I’m sorry and I would like to apologize if ever I offended you, sumama ang loob mo sa akin.
I tried my best na pumunta sa ‘yo, alam mo ‘yan, Ate.
“Sinabi ko pa sa ‘yo, kung gusto mo, luluhod ako sa harapan mo.
Sana lumambot na ang puso mo sa akin para maayos na itong gulo.
Para tahimik na.
Para sa pamilya natin, sa ikatatahamik ng pamilya natin.“Parang ang hirap sabihin kasi naghu-hold ako. Ayokong ilabas ang emosyon ko dito.
Kasi, gusto kong maging positive sa life. I hope maging okay na after this.
I hope, matahimik na,” mahabang litanya ni Cristine sa The Buzz.
Narito naman ang naging sagot ni Ara na idinaan niya sa Twitter, isa itong quote na nagmula raw sa English writer na si G.K.Chesterton, “A stiff apology is a second insult.
The injured party does not want to be compensated bec he has been wronged; he wants to be healed bec he has been hurt.”
Bukod dito nire-post din ni Ara ang ilang tweets ng kanyang followers, tulad nito, “I can’t feel, sense & see the sincerity of Cristine Reyes while apologizing in #TheBuzz ? However, hope it’ll heal your wounds @realAraMina.
Sabi naman ng isa, “Ano naman klaseng pag apologize un meron pang f ever….sincere ba un.”
At ito pa, “Nagsorry c… but ndi sya sincere parang nagtataray p nga sya eh!”