Aiko delikado pag nasa mall; ang sama-sama sa Inday Bote

aiko melendez

Mas marami pang revelations ang mapapanood sa pagpapatuloy ng kuwento ng Inday Bote sa Primetime Bida ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Alex Gonzaga, Matteo Guidicelli at Kean Cipriano.

In fairness, mula nang magsimula ang Inday Bote ay hindi na ito nalaglag sa mga nangungunang programa sa primetime ng Kapamilya network. Talagang sinusubaybayan ito ng madlang pipol dahil na rin sa exciting na takbo ng istorya nito.

Patok na patok din ito sa mga bagets dahil sa magic at kuwelang mga eksena ng mga gumaganap na dwende sa serye sa pangunguna nga nina Smokey Manaloto, Nikki Valdez, Nanding Josef at Alonzo Muhlach.

At siyempre, nandiyan din ang kinaiinisan ng lahat na si Aiko Melendez dahil sa effective na pagganap nito bilang kontrabida sa buhay ni Inday.

Natatawa na nga lang daw si Aiko kapag nakakabasa siya ng mga comments sa social media tungkol sa kasamaan niya sa Inday Bote.

Biro nga ni Aiko, nag-aalala siya dahil baka raw kapag nasa mall siya ay bigla na lang siyang batuhin, sabunutuan at kurutin ng mgha tao dahil sa mga ginagawa niyang kasamaan kay Inday at sa iba pang karakter sa serye.

Pero sey ng award-winning actress, alam naman daw niya na matatalino na ang manonood ngayon, alam na raw ng mga ito kung ano ang totoo at kung ano ang akting lang.

Napapanood pa rin ang Inday Bote gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN bago mag-TV Patrol. Kasama pa rin dito sina Alicia Alonzo, Jeffrey Santos, Mico Palanca, Biboy Ramirez at marami pang iba, sa direksiyon nina Malu Sevilla at Jon Villarin.

Read more...