Isabel Oli kay John Prats: Wag kang aatras sa kasal natin, ha!

john prats

Maraming natawa sa naging palitan ng mensahe nina Isabel Oli at John Prats ASAP kahapon na nakatakda na ngang ikasal sa May 16 sa Batangas.

“Huwag ka mag-back out ha? Ito na ‘yun, six days na lang,” biro ni Isabel kay John. Dugtong pa nito, “God is really good kasi crush lang kita dati. Ngayon, ikakasal na tayo. I love you.”

Sagot naman ni Pratty, “Nung sinabi mong answered prayer ako, answered prayer ka din. Nagulat ako na dumating ka sa buhay ko. Hindi ko na-imagine yung sarili kong ikakasal.

Akala ko nung sinabi sa akin few months ago na kakabahan ka, hindi eh. Excited na excited ako to be with you, to be your husband forever.”

Read more...