Enrique ibinuking ni Liza: May kakaibang style sa panliligaw

enrique gil

IBANG klase raw kung manligaw si Enrique Gil. Ito ang ibinandera ng Kapamilya princess na si Liza Soberano.

Sey ng leading lady ni Enrique sa Kapamilya primetime series na si Forevermore, totoong pumoporma sa kanya ang binata pero kakaiba raw ang style nito sa panliligaw.

“Hindi naman kasi siya yung nanliligaw na nagbibigay ng flowers, ‘di ganu’n, e. Alam mo yung the moves lang, through words siguro ‘pag nakakausap ka.

“’Pag may mga occasions, nagbibigay siya ng mga gifts. Pero on random days, hindi naman,” ani Liza sa isang interview. Natanong ang dalagita kung ano bang gusto niyang makita sa isang lalaking nanliligaw sa kanya? “Ang gusto ko talaga kasi yung romantic, pero hindi naman sobra, kasi parang nakakasakal na.

“Hindi pa naman talaga ako ready (magka-boyfriend). Ayokong magsabi ng age , like 18, tapos hindi ko naman matutupad.
“Pag ready na siguro ako, pag alam kong kaya ko na. Kapag alam kong medyo mature na ako,” chika pa ni Liza.

Sa isang hiwalay na panayam naman ay sinabi ni Enrique na handa siyang maghintay kung kailan magiging handa ang kanyang ka-loveteam, naniniwala rin daw kasi siya sa perfect timing.

Hindi naman daw kasi napipilit ang isang bagay na hindi pa talaga pwedeng mangyari.Ayon sa binata, napakaraming magagandang qualities si Liza na talagang gustung-gsuto niya, marami rin daw traits si Liza na magkapareho sila.

Kumbaga, siya raw ang male version ng teen actress.Ano naman ang reaksiyon ni Liza rito, “Marami kaming characteristics na pareho, marami kaming hilig, like adventures.

Gaya ng zip lining, pareho kami ng taste ng music, video games.” May ilang bashers naman ang nangnenega sa magka-loveteam, ayon sa mga ito, baka raw pagkatapos ng Forevermore ay bigla ring mawala ang sweetness nila ni Enrique, “Hindi naman siguro,” ani Liza kasabay ng pag-amin na malaki ang pag-asa ni Enrique sa ginagawa nitong panliligaw sa kanya.

Samantala, nalungkot daw talaga silang lahat sa Forevermore nang mabalitang hindi na matutuloy ang thanksgiving concert na regalo sana nila sa kanilang mga loyal viewers.

Hindi kasi pumayag ang ilang residente ng Benguet na doon sa La Presa ganapin ang show. “Yes, because of the venue po talaga, it was supposed to be in the peak.

Hindi talaga siya magiging safe if a lot of people would be there, what if someone would fall?” ani Liza.Ano naman ang feeling niya sa nalalapit ng pagtatapos ng Forevermore, “Excited for the ending at the same time, sad.

Siyempre, hindi ko na makakasama ang lahat ng mga tao that I made friends with in the show, sila direk Cathy (Molina) and the whole team.

“Parang naging family ko na sila. Siyempre may bagong nadagdag na character, si Ms. Erich (Gonzales). Basta maraming mangyayari in the next three weeks between Alex and Xander, Agnes and Jay, and then sa pagkikita uli ni Agnes and Xander, yun ang dapat abangan.”

 

Read more...