Bimby sinagot ang reception sa kasal ni Yaya Gerbel

kris aquino

JUST like his mom Kris Aquino, Bimby is generous pala.

Talagang namana ni Bimby sa nanay niyang si Kris ang pagiging generous lalo na sa kanilang kasambahay. Sa October na ikakasal ang Yaya Gerbel ni Bimby na nag-alaga sa kanya for almost 8 years.

One Facebook fan page shared that sa loob ng walong taon ay isang linggo lang nagbakasyon si Yaya Gerbel. Imagine, straight siyang nagtrabaho at one week lang siya nagkaroon ng vacation, aba, that’s something ha!

Anyway, since ikakasal na si Yaya Gerbel, nagpabongga si Bimby sa kanyang regalo. Kabog kung kabog dahil sasagutin niya ang wedding reception nito.

Ang chika, sa talent fee niya mula sa isang TV commercial niya kukunin ang gagastusin para sa wedding reception. Hindi ba’t kahanga-hanga itong si Bimby na bata pa lang ay marunong nang mag-share ng kanyang blessings? That said, we feel na talagang maganda ang pagpapalaki ni Kris kay Bimby.

Anyway, sa kanyang wedding ay magiging bongga ang hitsura ni Yaya Gerbel because she will wear a wedding gown designed by Anthony Ramirez, make up by Jonathan Velasco at ang hair by Nante Alingasa.

 

Read more...