Para kay Joey de Leon “basura” ang mga bashers sa social media kaya hangga’t maaari ay ayaw na niyang patulan ang mga ito. Kadalasan kasi ay naba-bash ang TV host-comedian dahil sa mga ipino-post niya sa kanyang Facebook o Twitter accounts.
Sey ni Joey nang makachika ng press sa event ng Puregold, “Magugulo ang isip ng mga bashers. Minsan may mga bashers, pero emotional. May basher bang emotional? Wala, wala lang magawa yun.
“Kapag nangba-bash ka, ibig sabihin, wala kang mai-share na magandang ideya sa pinapasok mong item or whatever,” sabi ni Joey. Ilang beses na siyang nabiktima ng bashers? “Hindi ko tinatawag na biktima.
Inaaway ko, e. Wala, ‘wag mo lang pansinin. Intriga lang ang mga bashers-bashers na ‘yan. Basher nga… short for basura,” natawang pahayag pa ng komedyante.
Pinipili rin daw ni Joey ang mga pino-post niya, “Kasi yung ibang bashers naman, masyadong sineseryoso ang pinu-post mo. Masyadong nagiging sensitibo.
Kapag nagkamali ka naman, tingin mo, madali namang bawiin mo, alisin mo, mag-sorry ka. Ganun lang naman yun.
“Minsan, hindi mo naman mini-mean ang sinasabi mo.
Nagpapa-cute ka lang, nagpapatawa ka lang, nila-lighten mo lang. Huwag lang naman yung diretsong-diretso or may sharp na comment. Meron naman naglalaro ka lang. Yung iba, sineseryoso.
“Nagugulat ka nga, yung nangba-basher pa, minsan naghahanap lang ng mali o maninira. Sila pa yung parang pumapapel. Wow, emotional pa sila!” chika pa ng TV host.