Atom Araullo binalaan: Umiwas na sa paglalandi ni Vice

vice ganda

GAANO kaya katotoo ang tsika na kaya raw nag-walkout si Jake Cuenca sa taping ng Gandang Gabi Vice para sana sa promo ng seryeng Pasion de Amor, ay dahil may nakapagsabi rito na “paglalaruan” siya ni Vice Ganda at ang ex-girlfriend niya na nasa audience?

If this is true, hindi nga naman magandang anggulo yun for a promo, medyo personal na yun para kay Jake. Baka nababastusan sa ganu’ng istilo ang aktor kaya minabuti na lang niya na umalis.

Pero totoo nga raw na namataan ng mga malalapit kay Jake ang ex-GF nito sa audience. Marami tuloy ang na-curious kung scripted ba yun o bahagi nga ng kung anong gimik ng bagong serye ni Jake o ng dating dyowa nito dahil of all places ay bakit sa show pa ni Vice naroroon ang girl at timing namang guest pa ang ex-BF nito?

Wala pa kaming nakukuhang follow-up on this kapatid na Ervin, pero marami nga ang naniniwala na walang alam si Jake sa kung anong balak ng dati niyang karelasyon.

Still on Vice. Huwag na raw po tayong magulat if soon ay gawin na nitong “series” ang pagbabatian nila ng “I love you” ng pamosong news person na si Atom Araullo na nagsimula lang sa isang phone patch segment ng It’s Showtime.

Kilala naman natin si Vice pagdating sa mga ganyang emote, pero sana ay huwag nitong seryosohin ang mga bagay-bagay lalo pa’t isang pinagpipitaganang tagapaghatid balita ang posible na namang maging subject ng “makulay” niyang love life.

May mga malalapit nga kay Atom na nagpayo sa TV host-reporter na mas maging maingat ito sa pakikipaglandian (read: pagsakay-sakay sa mga jokes, private man o pampapakilig) sa mga taga-entertainment dahil hindi umano ito magandang ehemplo sa status niya bilang isang seryosong mamamahayag.

May ganu’n talagang warning?! Ha-hahahaha!

Read more...