Mas lalo pang lumakas ang bagyong Dodong sa paglapit nito sa kalupaan kahapon kaya itinaas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services ang signal no. 4 sa ilang lugar.
Sa Martes inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo na inaasahang tutuloy sa Japan.
Bago magtanghali kahapon, ang bagyo ay namataan 140 kilometro sa silangan-timog silangan ng Tuguegarao, Cagayan.
May hangin ito na umaabot sa 185 kilometro bawat oras at bilis na umaabot sa 220 kph.
Umuusad ito sa bilis na 20 kph pahilagang kanluran.
Ngayong araw ang bagyo ay inaasahang nasa layong 190 kilometro sa Basco, Batanes at bukas sa layong 900 kilometro.
Kahapon itinaas ng PAGASA ng signal no. 4 sa hilagang silangang bahagi ng Cagayan, Batanes, Babuyan at Calayan group of islands.
Signal no. 3 naman sa iba pang bahagi ng Cagayan at Isabela at signal no. 2 sa hilagang Aurora, Kalinga, Mt. Province, Ifugao at Apayao.
Signal no. 1 naman sa iba pang bahagi ng Aurora, Abra, Ilocos Sur, Ilocos Norte at Quirino.
MOST READ
LATEST STORIES