Jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 aabot na sa P111M

655lotto
Inaasahang aabot sa P111 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola nito Lunes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, ang operator ng lotto, walang tumaya sa mga lumabas na numerong 18-29-7-8-32-45 sa bola noong Sabado ng gabi.

Nagkakahalaga ng P105.5 milyon ang jackpot prize noong Sabado at umabot sa P31.1 milyon ang halaga ng itinaya.

Nanalo naman ng tig-P129,790 ang 12 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na lumabas na numero.

Tig-P1,240 naman ang 997 mananaya na naka-apat na numero at balik-taya (P20) ang 23,266‎ mananaya na nakatatlong numero.

Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado. Nagkakahalaga ang taya ng P20 sa bawat anim na numerong kumbinasyon.

Read more...