Marami na raw kasing kaartehan ngayon si Xian pagdating sa trabaho kaya marami na ang naiinis sa kanya.
Pero mariin nga itong pinabulaanan ng aktor.
“Always ko naman sinasabi, as much as I try my best to please everyone, I can’t really please everyone and ang mapapakita ko lang naman talaga sa kanila yung ako di ba?
Yun lang naman pinapakita ko and I’m just happy merong supporters.
I look more sa positive side rather than the negative.
“Pero okay din naman na naririnig ko yung mga ganu’n para maisip ko rin na bakit kaya nila nasabi yun?So I look back and then hopefully pag nagkita kami kung sino man nagsasabi nu’n, makita nila yung totoong side of me,” depensa pa ni Xian.
Pahabol pa nito, “I always entertain the positive side of things kasi it’s not going to help if I dwell on the negative.
Pero yun nga, pag meron silang second chance or third chance na magkita kami, maybe they can get to know me more, hindi naman yung first sulyap pa lang ganu’n na.
“As much as possible happy happy lang gusto ko.
Kasi kapag happy lang talagang smooth flowing, e.
Hopefully habang tumagal ako, makita naman nila yung kakayahan,” sabi pa ng hunk actor.