HINDI na nawala sa limelight ang mga pangalan nina James Yap and controversial ex-wife na si Kris Aquino.
Parang kasahog na sila talaga sa lahat ng usaping-showbiz.
Hindi na sila natigil.
Hindi ko alam kung incidental lang o sadya talaga silang nag-iingay para hindi mawalan ng presensiya sa industry natin.
Maraming mga katanungang malinaw ang mga sagot pero hindi napag-uusapan regarding the two.
Kasi nga, napakarami nating friends at ilang mga kababayan na 84,000 years nang nakasampa ang mga annulment case nila pero hindi pa rin ma-grant ng korte. Samantalang ‘yung kina Kris at James ay isang taon lang yata tumakbo at tapos ang laban. Bakit daw ganoon?
“Kung tutuusin ay hindi talaga dapat ma-grant ang kanilang annulment dahil kahit hiwalay na sila, James would still sleep in Kris’ house, kahit hindi man sila magkatabi dahil James would sleep in Bimby’s room, hindi pa rin magandang tingnan.
Talagang kasama sa batas na dapat ay wala na talaga silang communication whatsoever at ang pinaka-connect lang nila ay ang hearings sa korte, di ba?
“Yung pagtulog at pagkikita nila sa labas ay nasa mga peryodiko at nasa news pero bakit halatang pinanigan talaga sila ng korte.
Just because Kris is the sister of the President of this country?
Ganoon ba iyon?” anang isang kakilala nating matagal nang naghihintay ng resolusyon sa annulment case nila ng kanyang estranged husband.
“Tingnan mo nga rin yung kay Amy Perez.
Matagal nang abandoned ni Brix Ferraris ang anak nilang si Ady , matagal na silang walang communication dahil balita nga natin ay nag-asawa na si Brix sa abroad pero wala pa ring nangyayari kaya hindi makapagpakasal sina Amy at ang long-time boyfriend nitong si Carlo Castillo. Malaki na ang nagagastos ni Amy pero ano na ang nangyari?
“Just because hindi siya kapatid ng Pangulo kaya pinahihirapan sila? Kungsabagay, kung ikaw naman ang huwes at may hawak ng kaso nina Kris at James, kung gusto mong tumagal sa puwesto, aba’y dapat talagang i-grant mo ang hiling nila.
Kung si Renato Corona ngang Chief Justice dati ng Supreme Court ay napatalsik ni P-Noy?
Huwag na tayong magpaka-ipokrito, ‘no!” obserbasyon ng isang mataray nating friend.
Naman! Diyos ko naman, para naman kayong bago nang bago.
What Kris wants, she gets.
That’s a given.
Kung naaalala n’yo pa, kahit nasa abroad siya that time ay naipanalo niya si Dingdong Dantes bilang Best Actor sa MMFF, ito pa kayang personal na niyang laban?
At siya lang ang artista sa ABS-CBN who can demand on anything – maliban sa guaranteed ang contract niya ay nakakapamili pa siya ng shows na gusto niya – if she wants a teleserye, presto nandiyan agad! Pag nangailangan siyang gumawa ng pelikula, meron agad.
Kung sino ang gusto niyang makasama sa show, bigay din agad.
Kung kailangan niyang mag-advanced taping dahil gusto niyang magbakasyon with her family, sila pa ang nag-a-adjust sa schedule ni Kris.
Ganyan ka-powerful ang isang Kris Aquino sa showbiz at sa bansa huh! Akala n’yo ba ay fair silang mga Aquino, of course not!
Mukha lang silang makamasa pero they’re actually not!
Anyway, speaking naman of James Yap, tinanggihan daw ni Kris ang offer nitong sustento para sa anak na si Bimby.
Hindi raw tinanggap ni Kris ang perang pantustos sa ibang pangangailangan ni Bimby dahil marami naman daw pera si Kris at hindi niya kailangan ang tulong ni James.
Parang mali naman yata ito, not because she has more money ay babawalan na niya ang ama ng batang tumulong sa panggastos para sa pagpapalaki ng anak nila.
There’s no competition as far as income and wealth is concerned.
Kung ang iba nga riyan ay nagdedemandahan pa para makahingi lang ng suporta from the father, heto naman, para namang minaliit ang ama ng bata dahil mas malaki ang kita ng ina.
Kahit five centavos lang iyan kung bukal sa kalooban ni James, dapat ay hindi ito iniisnab ni Kris.
Nagdesisyon na lang daw si James na itabi ang pera sa ibubukas na savings account ni Bimby para pagdating ng araw ay pwede pa rin itong gamitin ng kanyang anak.
On the other hand, naloka lang ako sa kasinungalingan naman ni James regarding the huge amount of money na nakuha niya kay Kris after ma-annul ang marriage nila.
Di ba nakakuha siya ng P40 million yata as his conjugal share of their property and wealth?
May lumabas kasing interview on James kung saan sinabi niyang he deserved whatever he got dahil may share naman daw siya talaga sa mga naipundar nila ni Kris at kusa raw itong ibinigay sa kanya ng dating asawa.
Parang I beg to disagree. Kasi may konting alam ako sa story na iyan.
Sa pagkakaalam ko, kasama talaga sa magiging ruling ng court that time when their annulment was being processed ay yung tungkol sa kanilang conjugal properties.
Kung naalala n’yo pa, James’ lawyer, Atty. Lorna Kapunan, expressed that his client deserves 50% of their conjugal wealth during the time of their marriage, e, that time yata, Kris was worth P300 million during the time of their marriage.
Yung ibang yaman ni Kris ay dati pa iyon kaya hindi puwedeng saklawan.
Meaning, without saying the figures, they were obviously demanding for P150 million as half of it, di ba?
Kaya one morning, I got a call from Kris Aquino.
Buwisit na buwisit daw siya kay James dahil OA naman daw ang demand nila ng lawyer niya when in fact, hindi naman daw niya itinatanggi that James have some participation in the acquisition of some of their properties.
“Pero mga P15 million lang iyon and that’s on record,” ani Kris sa akin that time.
So, ano itong pinagsasabi ni James na kusang ibinigay sa kanya ni Kris ang rightful para sa kanya. That’s a big lie.
They demanded for that kaya inilaban na lang din ng lawyers ni Kris na bigyan siya ng P40 million, but not like what they wanted na P150 million or so. Kaloka!