Sunshine pinipilit ng 3 anak na babae: Palitan mo na si daddy!

sunshine cruz

Mismong ang mga anak pa ni Sunshine Cruz ang nagtutulak sa kanya para makipag-date. Ito ang inihayag ng dating sexy actress sa interview ng Aquino & Abunda Tonight noong Biyernes ng gabi.

Halos dalawang taon nang hiwalay ang dating sexy actress sa asawang si Cesar Montano, kaya ang sabi raw ng tatlong anak na babae ni Sunshine, it’s about time para makaroon na rin siya sa bagong lovelife.

“Actually, wala pang one year kaming hiwalay (ni Buboy), ang gusto nila, magkaroon na ako ng love life at inspiration. Sila pa ‘yung may mga gusto for me!” ani Sunshine.

“Sabi nila, ‘Mom, you should go out on dates, but don’t go out with guys who’s as old as dad.’ They tell me na ok lang sa kanila na medyo younger ang

i-date ko dahil hindi naman daw ako mukhang matanda,” chika pa ni Sunshine. Samantala, proud na proud na sinabi ni Sunshine na hindi siya nagsisisi na nagpahinga siya sa showbiz sa loob ng 13 taon dahil napalaki naman niya nang maayos at mababait ang kanyang mga anak.

At kahit hiwalay na nga raw sila ni Cesar, hindi niya ito hahayaang maging dahilan para masira ang relasyon nilang mag-iina. Tungkol naman sa sinasabing bagong dyowa ni Cesar na balitang buntis na ngayon, ayaw nang magkomento pa ni Sunshine, may sari-sarili na raw silang buhay ng dating asawa kaya wala na siyang dapat sabihin pa kung anuman ang gustong gawin ni Cesar sa buhay.

 

Read more...