We were surprised to learn that rock legend Mike Hanopol is now a rabbi.
“Ang pagiging rabbi ko ay kailangan pa ng one more year of study, of pontifical study para ma-ordain ako. Pero ngayon kasi kahit hindi pa ako official na rabbi, rabbi na ang tawag sa akin kasi nakapasa na ako.
‘Yung mga requirement for years ay pasado na so, one year na lang para ako ay ma-ordain,” chika ni Mike sa amin during the presscon for “Legends Rock” concert.
Makakasama niya rito sina Wally Gonzalez of Juan dela Cruz band, Resty Fabunan of Maria Cafra, Rene Garcia of the Hotdog. Sa May 14, Hard Rock Café Makati ang concert with Jo Awayan as guest performer-host and introducing young singer Mugen Terazona.
“Dumarating ang conviction ‘yon sa atin. Meron tayong kanya-kanyang conviction, kung anuman ‘yon, me business, me entertainment. Ako napunta ako doon sa religion. Fifteen years akong nag-research, nag-aral ako,” paliwanag niya.