KINAKARIR ng Kapamilya hunk matinee idol na si James Reid ang pagsasalita ng Tagalog bilang preparasyon na rin sa first teleserye nila ni Nadine, ang On The Wings Of Love under Dreamscape Entertainment TV.
Ayon sa binata, sa pelikula nga nila ni Nadine Lustre na “Para sa Hopeless Romantic” ay napalaban talaga siya sa Tagalog kaya raw “very challenging” ito para sa kanya.
“Sa movie na ‘to, puro Tagalog. Walang English as in zero except for ‘I love you’ maybe. This movie is all Tagalog. Ito ’yung pinakanahirapan ako but I practice a lot,” ani James sa presscon ng nabanggit na pelikula under Viva Films and Star Cinema na showing na sa May 13 nationwide.
Nang tanungin naman kung anong masasabi niya sa patuloy na pagkukumpara sa kanila Daniel Padilla, “Iba talaga kami. Looks-wise, we are totally different. We have different personalities. We are different stars.”
But of course, flattered siya na nile-level sila ni Nadine sa loveteam nina Daniel at Kathryn Bernardo pero sey nga ng mestisong aktor, “Not yet. We still have a long way to go but I’m not looking at them as a point of reference. I want to go as far as we can go.”
Ano sa tingin niya ang pagkakaiba ng loveteam nilang JaDine sa KathNiel, “Sabi nila, mas edgy. Mas edgy kami. Mas mature.”
Pero alam naman daw niya na hindi pa nila ka-level sa kasikatan sina Daniel at Kathryn, “No, not yet, there’s a long way to go,” mabilis niyang sagot.
I’m not looking at them as point of comparison. I wanna go as far as we can go.” May nagtanong naman kung mas tumindi ba ang pressure sa kanila ngayon ni Nadine dahil nga nile-level na sila sa Teen King and Queen, “Well, the truth is, we don’t think about that. We think about our career first. We don’t want to lose this now.”
Pinuri-puri naman ni James ang ka-loveteam niyang si Nadine, bukod daw sa napakagaling nitong artista ay napakabait pa, dugtong pa niya, “I like her style. Our same taste in music. She’s cool and understanding, good listener…marami.”