SA tuwing sasapit ang Mothers’ Day ay nalulungkot kami, hindi na kasi namin mababati ang taong nagluwal at gumabay sa amin sa tamang landas kaya nakarating kami sa aming kinalalagyan ngayon – ang pinakamamahal naming nanay.
Maaga kaming naulila sa ama kaya nakita namin kung paano kami itinaguyod mag-isa ng aming ina sa loob ng limang taon – muli ring nakapag-asawa ang aming nanay kaya masasabi naming lumaki pa rin kaming buo.
Bilib na bilib kami sa mga inang mag-isang pinalaki ang kanilang mga anak dahil hindi biro ang pinagdaanan o pinagdaraanan nila kaya sa mga anak na mag-isang itinataguyod ng kanilang nanay o tatay, sana’y lumaki kayong mabubuting tao.
Samantala, para sa selebrasyon nga ng Mother’s Day ngayong araw, tinanong namin ang ilang kakilala naming single mom sa showbiz kung ano ang biggest challenge nila sa pagpapalaki nila sa kanilang mga anak nang mag-isa at kung paano nila ito napagtagumpayan.
Unahin natin ang Queen of All Media na si Kris Aquino na alam naman nating hindi rin biro ang mga pinagdaanan sa buhay at kung gaano siya kaabalang nanay nina Josh at Bimby.
“No challenge becauae I have my sisters, Gerbel and Bincai (yaya), my close friends, everyone makes the effort when sobra my workload to be there for my sons.
“I’ll be honest, God blessed me with a successful career, most single moms I’m sure nahihirapan financially and my heart goes out to them. And more importantly, super loving, malambing and appreciative ng two boys ko kaya wala akong dapat ireklamo.”
Malapit din sa puso namin si Vina Morales na 10 taong gulang pa lang ay nasubaybayan na namin ang showbiz career at buhay pag-ibig kaya kapag broken hearted siya ay kasama rin niya kami sa pag-iyak.
In fairness naman kay Vina, wala naman siyang inilihim pagdating sa mga nakarelasyon niya na halos lahat ay guwapo, ‘yun nga lang hindi siya pinalad na makapag-asawa pa hanggang ngayon, pero meron na naman siyang Ceana na siyang nagpapaligaya sa kanya kahit walang partner.
Ang biggest challenge para kay Vina bilang single mom ay, “Time management. Mahirap especially if you are a working mom as well. Time for Ceana and time for work. Kadalasan, nakakalimutan mo na ang sarili mo.
“Napagtagumpayan ko ang pagiging single mom because of the support of my family and friends. It’s struggle but marami namang nagmamahal at napag-iiwanan kay Ceana habang may work ako.
“Pasalamat ako sa klase ng trabaho ko, I can bring along Ceana with me at work, thankful and grateful.” Para naman kay Jennylyn Mercado na talagang nakakabilib din pagdating sa pag-aalaga sa kanyang anak na si Alex Jazz, ibang-iba raw talaga ang feeling ng isang single mom.
“One of the hardest things to do is raising a child, mas mahirap pa pag nag-iisa ka, but I never felt alone. Nandiyan ang mama ko (Mommy Lydia), ang manager ko (tita Becky Aguila) at mga kaibigan para tulungan ako at hingan ko ng advice.
“It’s a challenge to raise a child (whether you are a single mom or you have a significant partner) but at the same time, I consider it as a victory because it serves as proof na lahat kaya nating gawin and everything has a purpose.
It’s my destiny to be a single mom and you know what, I wouldn’t change a thing.” Isa pang single mother na ginagawa ang lahat para sa kanyang anak ay si Valerie Concepcion na edad 16 lang nang mabuntis ng non-showbiz boyfriend.
Sobrang na-guilty nga kami noon dahil kami ang unang nagsulat na nagdadalangtao ang aktres na noo’y isa pa lang sa pinasisikat na teen stars ng GMA 7.
Ang biggest challenge para kay Valerie ng pagiging single parent, “I got pregnant at a very young age, isa sa pinakamahirap na naranasan ko bilang single mom is ‘yung mag-a-adjust sa bago kong buhay.
“My whole life changed once I had Fiona, napasubok ako sa maagang responsibilidad. Pero marami naman akong natutunan.
“Malaking tulong ang mama at papa ko, inalalayan ako sa lahat ng bagay, lalo na si mama.
Tinuruan niya ako kung paano maging mabuting magulang, kung hindi dahil sa kanya, I wouldn’t be the mom I am today. Kaya thanks, Ma for being the best mom in the world, happy mothers’ day!”
At tulad nina Jennylyn at Valerie na parehong talents ni tita Becky Aguila, ang isa pang alaga niyang si Empress ay nagdadalang-tao na rin ngayon.
Kinunan na rin namin ng komento si Empress na ilang buwan na lang ay isisilang na ang kanyang panganay. “Hindi ko pa po masasagot ‘yan (biggest challenge) kasi I am just about to start my journey to motherhood, but I can answer base on my experiences.
“As of now, pinakamahirap po is ‘yung pagsabi po sa magulang ko na buntis ako. Ang kinatatakutan ko kasi is ma-disappoint sila, pero napakasuwerte ko na kahit anong mangyari ay nandidiyan po sila para suportahan ako.
Saka nagpapasalamat din ako kay tita Becky at Vino (Guingona, boyfriend niya) na lagi ring nandiyan para sa akin. Isa pang single mom na proud na proud sa kanyang anak ngayon ay si LJ Reyes.
Walang pinagsisisihan ang aktres sa mga nangyari sa kanila ni Paulo Avelino dahil nagkaroon naman siya ng isang anak na tulad ni Aki na super cute at super daldal.
Ang biggest challenge para kay LJ ng pagiging solong magulang, “I think ang pagiging single mom, ang tumayong ama at ina sa anak ko, honestly, I am still in the process of learning how to deal with it.
“Kasi alam kong may mga panahong na kailangan niya ang kanyang ama at hindi maibibigay ng isang ina, pero I pray everyday na tulungan ako ni God in raising Aki.”
Para sa lahat ng mga nanay sa buong mundo, Happy Mothers’ Day!