AFTER ng richest boxing game sa Las Vegas starring Manny Pacquiao and Floyd Mayweather (parang pelikula lang naman ang supposed to be Fight of the Century, di ba?) ang dami nang naganap.
Naglabas ng sariling excuses si Pacman sa pagkatalo niya kay Floyd by saying na meron daw siyang shoulder injury that time kaya hindi niya naibigay ang 100% sa labang iyon – mga 60% lang daw halos ang kinaya niya dahil sa ininda niyang sakit sa kanyang balikat.
Sinisi pa niya ang Nevada health office dahil hindi raw siya pinayagang maindyeksiyunan para meron siyang dagdag sanang lakas to fight better.
Merong nagalit na dalawang boxing aficionados sa US kaya nagsampa ng kasong perjury laban kay Pacquiao – isang US$5 million damage suit na hinuhulaan naman ng maraming madi-dismiss lang.
Another day ay lumabas ang balitang pumayag daw si Mayweather sa rematch with him after a year dala na rin ng hamon ni Pacman. Nag-text daw si Mayweather sa isang ESPN reporter na payag siya pero afterwards ay binawi rin niya, ayaw na raw niyang makipaglaban kay Pacman.
Nagalit kasi si Mayweather sa mga patutsada ni Pacquiao recently kaya he called Pacman “a sore loser and a coward”.Kahit Pinoy ako, I find Mayweather very logical sa kaniyang mga sinabi.
Kasi nga, nakakabuwisit na si Pacquiao sa kaniyang mga excuse – excuses, excuses, excuses. Bakit hindi na lang daw tanggapin ni Pacquiao that he lost the fight, that he is a better fighter than him.
Ako rin – iyon ang inaasahan ko kay Pacman, ang maluwag sa dibdib niyang tinanggap sana ang pagkatalo dahil kahit anong gawin niya, hindi na maibabalik ang kaganapan – that he really LOST, di ba?
“I did a good fight. I though I won but realized that I was defeated. I did my best but my best wasn’t good enough,” ang patawa pa niyang sinambit sa joint presscon after ng laban nila ni Mayweather sa Las Vegas.
Ngayon ay nagbago na raw ng desisyon si Mayweather. Hindi na siya payag for a rematch. In short, hindi na maidedepensa ni Pacquiao ang kanyang titulo dahil na rin sa kadaldalan niya.
Kahit anong pangangantiyaw pa ang gawin ng kampo ni Pacman ay wala na siyang magagawa. Talo na siya and in the eyes of the whole world ay nagsa-sourgrape na lang siya.
“Tama lang si Mayweather dahil sobrang daldal nitong si Pacquiao. Hindi pa ba siya kuntento sa kinita niyang US$120 million? Sa totoo lang, ang mga Pinoy lang namang nagpaloko sa kanya ang talo sa pustahan dito eh, samantalang siya ay panalung-panalo sa salapi.
“Masyado siyang bitter sa pagkatalo niya samantalang wala namang ibang puwedeng sisihin kungdi siya lang naman, ‘no! Kaya hindi niya inaming meron siyang shoulder injury before the fight dahil pag sinabi niya iyon, baka hindi matuloy ang laban.
“Mabubulilyaso ang US$120 million niya. Saang kamay ng Diyos na kukunin ang gaoong halaga kung hindi natuloy ang laban, aber? “Niloko lang tayo ni Pacquiao.
Bago pa man ang laban ay alam na niyang matatalo siya dahil meron nga siyang karamdaman pero pinaniwala niya tayong he was in best shape. Ngayon, sino ang talo?
“Tayong mga Pinoy. Tapos sasabihin niya sa slogan niyang ‘Para sa iyo ang laban na ‘to!’ Manloloko siya!” sabi ng isang galit na galit na Pacquiao fan na super disappointed sa nangyari.
Hay naku, ayaw niyo rin kasing tumigil sa mga pambobola ni Pacman, eh. Ang titigas ng ulo ninyo. Ano ang napala ninyo?
Talo ang mga dahtung ninyo sa pustahan, di ba? Kasi nga, napakalakas ng paniniwala n’yo na ipananalo ni Manny ang laban, pero kabaligtaran ang nangyari.
Nawalang parang bula ang pera n’yo! Lesson learned? Huwag padalos-dalos, huwag basta naniniwala kay Pacquiao. For all you know, kay Mayweather pa pumusta si Gov. Chavit Singson, eh. Ha-hahaha! Ganoon lang iyon. Kaloka!