Dingdong puring-puri ng mga Pinoy sa pagiging pari | Bandera

Dingdong puring-puri ng mga Pinoy sa pagiging pari

Ervin Santiago - May 10, 2015 - 02:00 AM

dingdong dantes
TUWANG-TUWA si Dingdong Dantes at ang buong produksiyon ng GMA Telebabad series na Pari ‘Koy dahil sa dami ng natatanggap nilang papuri mula sa mga televiewers at netizens.

Ayon sa mga nagkokomento, napakaraming aral ang nakukuha sa nasabing serye at marami rin itong nai-inspire na mga Pinoy, lalo na ‘yung mga nawawalan na ng pag-asa sa buhay at pananampalataya sa Diyos.

Puring-puri rin ng mga Kapuso viewers si Dingdong na gumaganap na pari sa programa. Sey nga ng Primetime King ng GMA sa isang panayam, “Kung ano ang pakiramdam ng umpisa, ganun pa rin siya, na-sustain namin ang tema.

“Na-sustain namin ang feel na gusto naming ibigay, pati yung natatanggap namin for each other. Parang the story itself is a reality check para sa mga nangyayari sa kapaligiran natin.

“I like the fact that I’m getting much learning and inspiration sa tema ng palabas,” sey pa ng mister ni Marian Rivera.In fairness, ang tawag na nga raw sa kanya ngayon ng mga tao kapag nakikita siya ay Father Kokoy.

Natatawa na nga lang daw si Dingdong kapag may mga nagbe-bless sa kanyang mga bata.“Basta ako naman, at least, once in my life, nagampanan ko. Ito yung mga buhay na hindi natin alam dahil nakikita lang natin sila tuwing Linggo siguro.

“Pero yung makasama, makahalubilo at malaman, ang nangyayari sa personal nilang buhay, e, bihira mong nalalaman at nakikita. Through this, malalaman mo na sila ay mga normal na tao,” pahayag pa ng aktor.

Napapanood pa rin ang Pari ‘Koy gabi-gabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras. Kasama pa rin ni Dingdong dito sina Sunshine Dizon, Gabby Eigenmann, David Remo, Chanda Romero at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending