Pauleen kay Bossing: Di na kami nag-aaway dahil kilalang-kilala na namin ang isa’t isa!

vic sotto

DIRETSONG inamin ni Pauleen Luna na nagkakaroon din sila ng mga problema ng kanyang boyfriend na si Vic Sotto – nag-aaway din sila paminsan-minsan.

Sa mahigit tatlong taon nilang relasyon, hindi naman daw puro kaligayahan at katuwaan ang pinagsasaluhan nila together, tulad ng ibang magdyowa, dumadaan din sila sa mga pagsubok ng buhay.

Isang “roller coaster” ride rin daw ang kanilang pagsasama, “Pero naka-land na yung roller coaster namin ngayon,” pahayag ni Poleng nang makachikahan ng ilang members ng entertainment media sa presscon ng bagong teleserye ng GMA 7, ang The Rich Man’s Daughter na magsisimula na sa darating na Lunes sa Telebabad block.

Sey pa ng TV host-actress, smooth na smooth na ang relasyon nila ni Bossing, “Yes, ano na, SCTEX na ngayon or NLEX!” natatawang sey pa ni Pauleen.

Dugtong pa ng dalaga, “Siguro po the past year, nakilala na rin namin ang isa’t isa. Ang ibig ko pong sabihin, hindi lang ang outside factor, even yung sa aming dalawa, very smooth na rin.

“I think, we really know each other na. Hindi na kami nag-aaway kasi. Alam na namin ang makakapagpainis sa isa’t isa. We just don’t do it, very smooth na talaga,” aniya pa.

Dati ba, paano sila kapag may tampuhan? “Hindi ko lang siya pinapansin. Siya, ganu’n din. Pero dumating na kami sa point na kahit alam naming magkaaway kami…hindi kami nagpapansinan ng ilang araw, sa pagbabati pa rin yun mauuwi.

“Dumating na kami sa point na isang araw, magbabati kami, wala, bati na lang kami. Minsan, away kami. Kapag nagkita kami sa Eat Bulaga, kiss na, tapos na, ganu’n lang,” chika pa ni Pauleen.

Samantala, makakasama naman ni Poleng sa seryeng The Rich Man’s Daughter sina Rhian Ramos at Glaiza de Castro na gaganap bilang lesbian lovers. Siya naman ang magiging asawa ni TJ Trinidad sa kuwento.

Ito’y sa direksiyon ni Dominic Zapata at magsisimula na sa Lunes sa GMA TeleBabad.

Speaking of Eat Bulaga, siyempre, napakalaki ng ipinagpapasalamat nina Pauleen at Bossing, pati at lahat ng dabarkads ng noontime show ng GMA sa loyal partner nila sa pagbibigay ng kaligayahan at pag-asa milyun-milyon nilang loyal viewers.

Ang tinutukoy namin ay ang Puregold Priceclub Inc.. In fairness, mas marami pang napapasaya at natutulungan ang Eat Bulaga dahil sa patuloy na pagsuporta sa kanila ng Puregold.

At para naman maibalik ang suportang ito, todo ang ginagawang pagpo-promote ng EB dabarkads sa pinakamalaki at grandiosong installment ng taunang Tindahan Ni Aling Puring (TNAP) Sari-Sari Store Convention ng PG.

Magaganap ito sa May 20 hanggang 24 sa World Trade Center, Pasay City. Present sa ginanap na presscon ng Puregold sina Joey de Leon, Ruby Rodriguez at Jose Manalo bilang mga celebrity ambassadors ng TNAP.

Ayon sa tatlong EB hosts, sa nakalipas na 12 taon, patuloy ang pag-ayuda ng Puregold sa mga negosyanteng Pinoy sa pagbigay sa kanila ng karagdagang kaalaman para lalo pa nilang mapalago ang kanilang mga nasimulang negosyo.

Dagdag pa ni Joey, tanging ang PG lang daw ang nagbibigay ng sari-sari store at reseller packages sa mga maliliit na negosyanteng gustong pasukin ang ganitong nasabing negosyo mula sa kumpletong business package para sa sari-sari store start-up o re-launch.

Isa sa magiging highlights ng convention ay ang official launch ng pinakabago at pinalakas na TNAP membership card na naglalaman ng bongga at eksklusibong benepisyo para sa mga miyembro nito.

Libre at lifetime ang membership sa TNAP. Bawat kasapi ay maaaring makakuha ng points sa bawat item na mabibili nila sa Puregold.

At bilang bonus, makikita at makikilala pa ng mga miyembro ng TNAP up close and personal ang ilan sa malalaking bituin natin sa TV at pelikula. Bukod nga sa EB dabarkads, makikisaya rin sina Boy Abunda, Zsa Zsa Padilla, Dessa, KC Concepcion, Maja Salvador, Julia Barretto, John Lloyd Cruz, Diego Loyzaga, Giselle Sanchez, Ramon Bautista, Donita Nose, MC, Lassy, Chad Kinis at Negi.

Magbibigay din ng special performances sa nasabing convention ang mga rock icon na Kamikazee, Mitoy & The Draybers, Parokya Ni Edgar, si Gloc 9 at si Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Maaari ring matuto ng mahahalagang tips at methods ang mga miyembro mula sa mga libreng trainings at seminars mula sa mga esteemed negosyo gurus.

Gagantimpalaan din ng Puregold ang mga top purchasers nito ng mga fantastic prizes gaya ng one-minute shopping sprees, Puregold gift certificates, gadgets, at cash prizes.

Ipakita lang ng TNAP members ang kanilang membership card upang makasali sa convention ng libre.

Read more...