MAGANDANG araw sa Aksyon Line. Ako po si Mr. Enrique Canalita ng Florida, Pampanga.
Nais ko lamang sanang itanong ang tungkol sa SSS contribution ko na hindi napasama. Ako ay ipina-nganak noong October 16,1954. Isa na rin akong pensioner.
Ako ay nagsimulang magtrabaho May 31, 1982 hanggang Feb. 28, 1997 sa Philippine Long Distance Company (PLDT). Nais ko sanang malaman kung bakit hindi napasama ang aking contribution sa SSS ng 1988. Nabalitaan ko rin ang tungkol sa adjustment na ibinibigay ng SSS sa mga taong 1985 hanggang 1989. Kung sakaling hindi napasama ang aking 1988 contribution ay maaari ko pa ba etong makuha? Ako ay umaasa sa agad ninyong kasagutan sa inyong column.
Salamat po.
Enrique Canalita
REPLY: Magandang araw din Ginoong Canalita. Sa kasalukuyan ay inaayos na ng aming database ang mga contributions na hindi naisama o may adjustment para sa taong 1985 hanggang 1989. Bagaman inihinto na ang manual verification ay otomatiko na itong mapapasama at makukuha ng mga miyembro sa darating na Disyembre ng taong kasalukuyan.
Base naman sa iyong katanungan kung maaa-ring mo pang makuha ang adjustment ng taong 1988, lumalabas sa aming record na napasama naman ang iyong contribution ng taong 1988.
Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan G. Canalita
Ms. Beth Suralvo
Senior Officer, Media Affairs Department
Social Security System
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.