Regine walang balak layasan ang GMA

regine velasquez

AT  least naging very honest si Regine Velasquez sa pagsasabing hindi pa ito ang tamang panahon para pag-usapan ang isyu hinggil sa posibleng paglipat niya sa TV5 tutal naman ay executive na roon ang asawang si Ogie Alcasid.

Kinuha kasing endorser ng PLDT Home ang Songbird para sa kanilang Mother’s day campaign, ang Regine Telsets Series, kaya’t hindi maiiwasang maitanong sa kanya ang posibleng paglipat sa Kapatid network dahil pag-aari nga rin ni Manny Pangilinan ang PLDT.

Mayroon pa raw siyang kontrata sa GMA at obligado siyang gawin at tapusin nang maayos ang isinasaad doon at hindi rin daw ibig sabihin na hindi na sila magre-renegotiate if ever mang mag-expire na ito.

For now, masaya lang si Regine sa takbo ng lahat on her career dahil very fulfilling naman ang maging nanay, asawa at TV host-actress. Pero bongga ring tinuran ni Regine na masaya siya sa napapabalitang paglipat ni Janno Gibbs sa TV5 dahil ramdam niyang miss na nito ang makatrabaho ang asawa. Hmmmmm…

Read more...