NAGING viral agad ang full trailer ng Pangako Sa ‘Yo na ipinalabas noong Martes ng gabi.
And from the looks of it, it has the making of a super hit soap opera na ngayon pa lang ay sinasabi na naming magiging classic series na naman ng ABS-CBN.
Natawa lang kami sa ilang eksena kaugnay ng back story ng love affair nina Amor Powers at Eduardo Buenavista (Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion) pati na rin yung sa karakter ni Claudia Zalameda (Angelica Panganiban).
Talagang pinag-isipan ng bongga ang reference ng kaguwapuhan ni Eduardo when both Amor and Claudia compared him to Richard Gomez and Aga Muhlach. Hindi naman siguro maiinsulto (dahil parang laos na ang arrive nila) ang dalawang award-winning actors dahil kailangang may tamang historical data ang dialogues nila dahil very soon nga, magiging “time” na nina Yna at Angelo (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla respectively) ang kuwento ng Pangako Sa ‘Yo.
Nakakaaliw lang talaga dahil halatang mas ginawang pulido at may mga back stories ang karakter ng mga tauhan sa upcoming soap. Imagine, “half-siblings” pala sina Amor at Claudia? Nakaka-excite lang talagang abangan. Ha-hahaha!
We also saw in the trailer the formidable Pilar Pilapil and Sylvia Sanchez na for sure ay hindi mga “puchu-puchu” lang ang mga role.
Tatlo ang magiging direktor ng Pangako Sa ‘Yo remake – sina Rory Quintos (original director ng unang Pangako Sa ‘Yo), Olivia Lamasan at Dado Lomibao. Mabigat kaya dapat lang na kahit trailer pa lang ay napag-uusapan na, tama di ba kapatid na Ervin?
Ito yata ang papalit sa malapit nang matapos na Forevermore sa Primetime Bida ng ABS-CBN.