The Buzz may kapalit na; Boy Abunda, Sharon Cuneta bibida

sharon cuneta pa

NAGULAT si Boy Abunda nang iparating sa kanya na meron daw gagawin silang magazine show ni Sharon Cuneta na siyang kapalit sa iniwang timeslot ng The Buzz tuwing Linggo.

Sabi ng King of Talk nang tawagan namin kahapon, “Really, anong nakasulat (sa social media), wala akong alam, walang nakikipag-usap pa sa akin o sa amin. I really don’t know that.”

Binanggit namin na kung sakaling matuloy ang talk show na ito nila ni Sharon ay tiyak na magki-click tulad din ng sa kanila ni Kris Aquino.
“Ay, oo naman, Sharon and I naman are okay, wala naman kaming isyu and I love to work with her naman,” say nito.

Kung wala pang alam si kuya Boy, saan nanggaling ang balita? Hindi kaya wishful thinking ito ng supporters ng Megastar na magkaroon siya ng talk show kasama si Boy?

Aminin nating marami ring puwedeng i-share ang Megastar pagdating sa mga issue sa showbiz dahil marami rin siyang baon at higit sa lahat, may pagkataklesa rin si Sharon dahil straight to the point din siyang sumagot sa mga kontrobersyal na isyu tungkol sa kanya at sa pamilya niya.

Tinanong namin ito kay kuya Boy, pero wala siyang ideya at ang binanggit lang niya, “Busy din kasi ako now Reggee because of Nestea na lagi akong nasa out of town, this Sunday, I’ll be in Cebu, next Sunday, in Tagaytay, akala ko nga after The Buzz, pahinga na ako, hindi pala, sabi ko akala ko mae-enjoy ko na ang Sunday ko, pero hindi puwedeng magreklamo, kasi it’s work and I thank God for this,” pahayag ng Aquino & Abunda Tonight host.

Read more...