Mommy Min clueless kung mag-on na nga sina Kathryn, Daniel

daniel padilla

Bibigyang pugay ni Anthony Taberna ang mga inang kahanga-hanga ang dedikasyon sa pagtataguyod ng kanilang pamilya sa loob o labas man ng tahanan, kabilang na ang ina ng Teen Queen na si Kathryn Bernardo sa espesyal na Mother’s Day episode ng Tapatan ni Tunying ngayong hapon.

Ayon kay Luzviminda Bernardo o Mommy Min, ang ina ni Kathryn, na dagdag sa responsibilidad niya ang pagpapalaki nang tama sa kanyang mga anak lalo pa’t sikat na celebrity ang anak niya na marami ang umiidolo.

Isa sa pinakainiintrigang bahagi ng buhay ng anak niya ay ang napapabalitang relasyon nila ni Kathryn at ang ka-love team nitong si Daniel Padilla.

“I don’t know ngayong panahon na ‘to kung ano ba ‘yung MU at kung sila na ba talaga. Hindi ko alam kung ano ‘yung tawag nila. Basta chill lang daw sila,” aniya.

Read more...