Boy Abunda takot sa HIV/AIDS, agad-agad nagpa-test; ano kaya ang resulta?

boy abunda

NEGATIVE ang naging resulta ng HIV test sa award-winning TV host na si Boy Abunda.

Sa episode last Tuesday ng Aquino & Abunda Tonight ipinakita ni Boy sa harap ng madlang pipol ang nakuha niyang resulta mula sa kanyang doktor – ito’y sa gitna na rin ng nakaaalarmang balitang patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong may HIV/AIDS.

Nagpa-HIV test ang TV host bahagi rin ng United Nations Population Fund. Sey nito, “Nakakatakot ho talaga, may kaba. Nakakakaba dahil, what if? It is important that we know. Karapatan ho natin.”

“Ang laking kaginhawan sa ating lahat pag nalaman natin (na tayo ay negatibo sa sakit). Pag positive, makakahingi po tayo ng tulong,” dagdag pa ni Boy.

Read more...