Relasyong di nagtatagal

AKO po si Joan, 17 years old, from Paranaque. Gusto ko pong humingi ng advice.

Lahat po ng naging boyfriend ko ay hindi nagtagal. Di man lang umabot ng isang taon. May boyfriend po kasi ako ngayon pero parang pinaglalaruan lang ako. Ano po ang gagawin ko?

Joan, ng Parañaque

Thanks for your message, Joan.

At 17, I would like to assume na ang mga na-ging BF mo at BF mo ngayon ay same age or same range as you. At this age, I suggest na huwag mo rin munang seryosohin ang pakikipag-nobyo dahil mahirap mag-expect na magseseryoso ang guys. It’s nature – don’t take it personally.

Kung sa tingin mo ay niloloko ka lang nila, then maybe you should evaluate and look at the way you choose them.
Ano ba ang basis mo para sa pakikipagrelas-yon? Ano ang qualifications mo? Kinikilala mo ba silang mabuti bago mo sila sagutin? Take your time in knowing them. Enjoy the process and learn from your past mistakes.

Ang payo ng tropa

Hi Joan,

Napakabata mo pa para pumasok sa isang seryosong relasyon.

At the age of 17, marami ka pang dapat alamin at matutunan sa seryosong pakikipag-relasyon ‘neng.

Hinay, hinay lang at sa palagay ko pag nasa tamang edad ka na, ma-experience mo rin ang tunay at seryosong relasyon.

Gaya ng sabi mo walang tumatagal man lang ng 1 year ang pakikipag relasyon mo sa mga naging BF mo, kasi nga bata pa kayo. Huwag nang i-torture pa ang sarili sa kakaisip kung niloloko ka ba, pinaglalaruan ka ng BF mo.

Payo ko lang focus muna sa pag-aaral or sa anumang ginagawa mo sa buhay mo ngayon, isipin mo rin andyan ang mga magulang at mga kaibigan mo na puwede mong makausap o maka-bonding… Enjoy lang neng….
–Ate Jenny

vvv
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Read more...