KALAHATI ng populasyon sa Amerika, ayaw maging pangulo ng bansa.
Nasisiraan daw ng ulo ang sinomang maghangad na maging pangulo ng bansa dahil sa dami ng problemang kinakaharap ng isang presidente.
Sa Pilipinas, kakaiba, marami ang gusto na maging presidente.
Big deal yata para sa marami ang maging residente ng Malacanang at makaupo sa nasabing pwesto.
Ang matindi, may kakaiba yata ang silyang iyon. Madalas kasing ayaw nang tumayo nang sinomang maupo rito. Parang may pagkit ang nasabing upuan.
At ngayon na mahigit isang taon na lang ang ilalagi ni Pangulong Aquino sa pwesto, pi-nuputakti na siya nang sangkatutak na mga isyu at problema. Paano ba naman, isinisisi na ang lahat sa kanya.
Gayong may mga kapalpakan din si PNoy pero hindi kaila na may mga positibo rin siyang nagawa sa bayan.
Gayunman, pakiwari ng maraming OFW, walang pakialam sa kanila si PNoy, simula nang maupo ito.
Personal nilang opin-yon iyon, ngunit sa tingin ko palagi namang nakahanda ang kaniyang gobyerno (o kahit sino pa man ang nakaupo diyan) sa pagtulong sa mga kababayan saan man sa mundo.
Nariyan palagi ang Department of Foreign Affairs na siyang kumakatawan sa pamahalaan sa pamamagitan ng mga embahada at konsulado sa abroad.
Hindi rin matatawaran ang kakayahan ng mga opisyal ng Department of Labor and Employment sa pangununa ni Secretary Rosalinda Baldoz.
Piling-pili ang ipinadadala niyang labor officials sa ibayong dagat.
Sa loob ng 18 taon na pagbabantay ng Bantay OCW program, nabantayan rin namin sila. Nakilala namin ang tunay na mga masisipag na opisyal ng pamahalaan, may puso at tunay na nagmamalasakit sa ating mga kababayan.
Kasabay din nito, nakilala din namin ang mga abusado, magnanakaw, tamad, walang pakialam at walang malasakit sa kapwa.
Sila ang mga taong walang karapatang umupo sa kanilang mga pwesto. At totoo naman, dahil hindi sila nagtatagal.
Maraming mga problema na sariling kagagawan din naman ng tao. Dahil sa katigasan ng ulo, sinasadyang di pagsunod sa mga batas sa loob at labas ng bansa, at sa pag-aakalang makakalusot din naman sila, ito ang madalas pag-ugatan ng maraming problema ng bayan.
Alam na alam naman nating lahat ang mga
ipinagbabawal. Mga dapat at di-dapat sa pangi-ngibang bayan. Sabi nga “ignorance of the law, excuses no one”.
Pero bakit marami pa rin ang nasa death row? Bakit marami pa rin ang nakakulong?
Kasalanan ba yan ng gobyerno? Eh kahit sinong presidente ang iupo diyan, wala na rin namang magagawa kapag sinasadya ang mga kasalanan.
Hindi nila kontrolado ang bawat kilos at kaisipan ng kanilang mamamayan.
Nasaksihan ng Bantay OCW ang maraming pa-kiusap ng mga nagdaang pangulo para sa ating mga kababayang OFW.
Maraming beses na umaapela ang pangulo, pangalawang pangulo, mga kinatawan ng embahada at konsulado upang ihingi ng kapatawaran ang mga paglabag at kasalanang nagawa ng ating mga kababayan.
Ngayon, sa bawat pagkakasala ng Pilipino sa abroad, gobyerno pa rin ba ang may kasalanan? Kasi pinabayaan sila? Saan,sa paggawa ng mali?
kawawa talaga ang gobyerno.