Blind item: Controversial TV host-actress benggador, plastik, manloloko

Sa isang umpukan ng mga kapatid sa panulat ay nakahuntahan nila ang isang magaling na TV personality na kilalang matapang sa mundo ng media.

Palaban rin siya sa mga isyu pero kapuri-puri naman ang kanyang pagiging matulungin sa mga nangangailangan.

Sa naturang tsikahan ay napag-usapan nila ang minsang pagkakaroon nito ng show kasama ang isang sikat at kontrobersyal na TV host-actress, lagi nitong sinasabi na trabaho lang kaya siya napapayag na makasama ang kontrobersyal na TV host-actress.

Pakiramdam kasi ni TV personality ay sa harap lang ng kamera mabait si TV host-actress pero kapag nakatalikod na ay tinitira na siya, “Ibang klase talaga siya. Kapag wala na sa harap ng mga camera, bigla siyang nagbabago. Nakakatakot siya!” hirit pa ng magaling at palabang TV personality.

Nang tanungin daw ito ng mga reporter kung totoo ang tsismis na plastik, benggador at generous lang sa harap ng mga camera si TV host-actress, ang tanging naisagot ni TV personality ay, “Yun na!”

Nagsisisi na rin daw ito kung bakit pumayag siyang makasama sa isang award-winning show ang benggador na TV host-actress.

Read more...