Bagyong Dodong tatama sa Isabela

Bagyong Dodong

Bagyong Dodong

INAASAHANG tatama sa lupa ang bagyong Dodong ngayong linggo sa Isabela kung hindi ito magbabago ng direksyon.
Sinabi ng Philippine Atmpospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na apektado rin ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng Luzon dahil sa lawak ng bagyong Dodong, na may sukat na 400 kilometro.
Idinagdag ng weather bureau na bukas, inaasahang dadaan si Dodong sa Bicol at Samar.
Ayon sa Pagasa, bahagyang lumakas ang bagyo na may lakas na 140 kph malapit sa gitna at may bugso na umaabot sa 170kph.
Huling namataan ang bagyo 925 kilometro silangan hilagang silangan ng Surigao City. May bilis ito na 17 kph pa-kanluran, hilagang kanluran.
Magdudulot ito ng malakas hanggang napakalas na pag-ulan sa mga apektadong lugar.
Sinabi pa ng Pagasa na inaasahan ang pag-ulan sa silangang Visayas at Bicol sa susunod na 24 hanggang 36 na oras. Inquirer.net (Myca Fernandez)

Read more...