Pacquiao naoperahan na

manny balikat

MATAGUMPAY ang naging operasyon ni Manny Pacquiao sa kanyang kanang balikat, ayon sa kanyang surgeon na si Dr. Neal ElAttrache.
Ikinatuwa rin ni ElAttrache, ng Kerland Jobe Orthopedic Clinic sa Los Angeles, ang resulta ng operasyon.
Aniya, inaasahan niyang makakabalik agad sa boksing si Pacquiao.
Ayon sa ulat, nakauwi na si Pacquiao at nagpapahinga na ito.
Samantalang, tinatayang limang lawsuit ang inihain laban kay Pacquiao, promoter na Top Rank at iba pang entity matapos umanong mabigong ibulgar ang kanyang injury sa balikat bago ang kanyang laban kay Floyd Mayweather, Jr. kung saan siya natalo.

Read more...