Katrina pasok sa tomboyserye dahil sa powers ni Marian sa GMA

katrina halili

Has Marian Something been reduced to a casting director?

This was how the people on social media reacted as Katrina Halili told entertainment media na si Marian ang nagpursige para makapasok siya sa tomboyserye ng Siyete.

Ipinakiusap daw ni Marian na makasama si Katrina sa teleseryeng nilayasan niya. Ang naging dating tuloy ay parang naging casting director ang dyowa ni Dingdong.

Kung true nga na si Marian ang may kinalaman sa pagpasok ni Katrina sa soap, aba, may utang na loob pala ang ex-girlfriend ni Hayden Kho at dating kaaway ni Vicki Belo.

Anyway, naging magandang pre-publicity promo ang pagbabati nina Katrina, Hayden at Vicki dahil pinag-usapan sa presscon ang reconciliation nila.

Actually, wala nang dating ang pagbabati nila. Tapos na ang issue, nagkademandahan na’t lahat pero may nakuha bang justice si Katrina? Sa palagay nami’y wala.

That said, futile lang ang naging effort ni Katrina na pagbayarin si Hayden sa kasalanan sa kanya.

Read more...