Lovi, Rocco walang planong magpakasal; no comment sa pre marital sex

rocco nacino

“Batang-bata pa kami para magpakasal!” Ito ang pakorus na sagot ng Kapuso couple na sina Lovi Poe at Rocco Nacino sa tanong namin kung handa na silang magkaroon ng sariling pamilya.

Naikuwento ng magdyowa sa amin ang tungkol sa naging bakasyon nila kamakailan sa Palawan at pareho nilang sinabi na napakarami pa nilang nagdiskubre sa isa’t isa sa apat na araw nila sa isang bonggang beach resort doon.

Nakita nga namin ang ilang litrato nila at feeling namin kasal na lang ang kulang dahil tila honeymoon na ang nangyari sa kanila sa Palawan.

Kaya naitanong namin kina Rocco at Lovi sa ginanap na mini presscon sa Lenox Hotel sa Dagupan City, bago ang guesting nila sa Kapuso Night sa Lingayen at Dagupan (bilang bahagi ng Bangus Festival) kung seryoso na nilang napag-uusapan ang wedding.

Mabilis na sagot ni Lovi, “No.” Na sinegundahan naman ni Rocco ng, “Marriage? Batang-bata pa kami, e.” Sey pa ni Lovi, “No, e, parang ano lang kami… I think what’s good about us is we’re not pressuring each other to anything.

Parang we’re just enjoying anything what we have now.” Kung minsan ay napagkukuwentuhan nila ang kasal pero, “Ano kasi, e, after kuwento leads to something else, e. So, parang it’s a topic that we avoid siguro.”

Pero nang matanong kung okay lang sa kanila na magkaroon muna ng baby bago ang kasal, napangiti muna ang magdyowa at magkasabay na humirit ng “no comment” at nakiusap kung pwedeng “next topic na lang please”.

Samantala, malapit n’yo na ring mapanood ang reunion project ng magdyowa sa GMA, ang A Beautiful Stranger kung saan makakasama nila sina Heart Evangelista, Christopher de Leon, Benjamin Alves at marami pang iba.

Kuwento ni Lovi, iba’t ibang characters daw ang gagampanan niya rito kaya so far, ito na ang pinaka-challenging na serye niya sa Siyete.

Excited din si Lovi sa muling pagsasama nila sa teleserye ng isa sa mga BFF niya sa showbiz na si Heart Evangelista na balik-trabaho nga after ikasal kay Sen. Chiz Escudero.

Read more...