Ai Ai nakabalik sa GMA dahil kay Boy; planong pagtira sa US kasama ang BF hindi na matutuloy

aiai delas alas

Speaking of Ai Ai delas Alas, nagsimula na ang kauna-unahang teleserye niya after 16 years sa primetime slot ng GMA 7 titled Let The Love Begin last Monday. Inabangan talaga namin ang pag-ere ng bagong serye ng Comedy Queen, huh!

In fairness, buong pilot episode ay umikot sa kwento ng buhay na ginagampanan ni Ai Ai sa serye bilang isang DJ na may asawa’t dalawang anak. Bonggacious ang ibinigay na exposure kay Ai Ai sa pilot episode ng Let The Love Begin.

Isang mapagmahal na ina ang role niya sa serye. Sa ganitong uri ng role tinangkilik ng audience ang komedyana base na rin sa movie franchise niyang “Ang Tanging Ina” na pawang tumabo sa takilya.

Thanks to her manager, adviser, ama at King of Talk na si Boy Abunda na hindi siya hinayaan na manirahan na lang sa Amerika at babalik lang ng Pilipinas kapag may project na inalok sa kanya.

Napag-alaman namin from Kuya Boy na hindi pala nagsabi sa kanya si Ai Ai na hanapan siya ng lilipatang network. Kampante na kasi siya na pumunta na sa Amerika at doon makasama ang kanyang mga anak.

This is the reason kung bakit bumili ng malaking bahay sa Amerika si Ai Ai.Walang kaalam-alam ang Box-Office Queen na nakikipag-negotiate na ang King of Talk sa GMA at sa APT Entertainment without her asking kung ano ang mangyayari sa kanyang career after ng kontrata niya sa Dos.

Nagulat na lang si Ai Ai nu’ng tawagan siya ni Kuya Boy na nakaplantsa na ang paglipat sa Syete. And the rest is history, ika nga nila. Kaya huwag palampasin ang mga susunod na mangyayari sa kwento ng Let The Love Begin sa GMA.

 

Read more...