Kim payag makatrabaho uli si Gerald pero nahihiya kay Maja

gerald anderson

Parang nagdalawang-isip pa si Kim Chiu nang sagutin ang tanong kung gusto ba niyang makasama uli si Gerald Anderson sa isang teleserye o pelikula.

Sa Kris TV kahapon, tinanong ni Kris Aquino ang Kapamilya actress kung bukas ba siya sa pagsasama uli nila ng kanyang ex-boyfriend sa isang project, tugon ni Kim, “Oo, pwede naman siguro.”

Pero dugtong nito, “Ako, ayaw ko kasing mag-think ng future. Ayaw kong mag-dwell doon sa pupuntahan ko. Parang ako kasi ‘yung type ng tao na kung ano ang nasa present ‘yun muna ang e-enjoyin ko.”

“Kasi kapag mag-expect ako ng future baka ‘di mangyari ang gusto kong mangyari, malulungkot pa ako made-depress pa ako parang ganoon. So ayaw kong mag-think in advance,” aniya pa.

Feeling namin, hindi pa handa si Kim na makasama sa isang serye o movie si Gerald lalo pa’t kakahiwalay lang nito sa dati niyang bestfriend na si Maja Salvador. Baka nga naman pagsimulan uli ito ng kontrobersiya sa kanilang tatlo.

Anyway, bongga naman ang pagtanggap ng fans ni Kim sa kanyang bagong album na “Princess Chinita”. In fairness, sa lahat ng provincial tour niya ay soldout lagi ang kanyang album.

Read more...