Regine sa pag-aartista ni Nate: Kung sa akin lang, ayoko sana!

regine nate

THE Songbird, Ms. Regine Velasquez may be holding a lot of excellent titles in the field of music, movies and television, but if you talk to her at length you would know in your heart that it is being a mommy to three-year-old Nate that gives her life utmost inspiration.

At iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit siya ang napili para maging mukha ng PLDT HOME’s Mother’s Day campaign. For the voice that never fails to bring us back home belongs to a devoted and loving mother to her only son Nate.

The Mother’s Day campaign introduces the new landline Telsets featuring the “Regine Series” paired with PLDT’s best calling rates ever. Regine is very happy with her connection with the PLDT Home team.

“They have been very supportive of everything I do. They allow me to stay connected to my own home and for a working mother like me, you know that keeping in close contact with our family is everything.

Especially that I have a growing little boy who never fails to surprise me with the discoveries every single day,” sey ng Songbird. “When I became pregnant, my sisters and my friends told me my life was going to be different.

I realized I had no idea what they were talking about, not until I had Nate. Everything about my life changed completely. I have a totally different perspective now, a different outlook in life,” dagdag pa ni Regine.

Sayang nga lang daw dahil sa ngayon ay hindi pa nila ito maipakonek sa kanilang sala dahil under renovation pa rin ang bahay nila. “Sa kuwarto ko pa lang nakalagay ang landline ko.

Pero by July, hopefully ay tapos na ang bahay namin, mailalagay ko na sa sala ang phone para magamit ng lahat. Iba kasi pag landline – no choice ang mga kasambahay kungdi ang sagutin ang phone.

Unlike sa cellphone na puwedeng deadma, di ba? Mas mura pa ang bayad pag landline,” ani Regine na marunong din palang magtipid. Hands-on mom din si Regine.

Mahal na mahal niya ang anak na si Nate pero when asked who is she first, she said in this order of priority: “I am first a Christian, then a wife, a mother, a daughter, a sister and a friend.”

In short, after being a Christian, lumalabas na mas mahal niya si Ogie Alcasid more than she loves her son – ganoon ang maliwanag na pagkakaintindi ko.

I’m sure ganoon din ang understanding ninyo with this. Kung gaano niya kamahal sa nakikita natin ang pagmamahal niya sa anak nila ni Ogie na si Nate, what more pala ang pagmamahal niya kay Ogie the Pogi, di ba? Mas grabe siguro.

Hindi ko na lang in-elaborate with her dahil baka mawala lang siya sa mood.Puwede naman iyon eh, ini-expect ko kasing sasabihin muna niyang she is first and foremost a mother bago bilang wife, pero iba siya.

Pero since malapit na ang Mother’s Day, let’s wish her the best na rin dahil sinabi naman niyang super-love niya ang baby niya. Nagkataon lang kasing mas mahal niya si Ogie more than Nate. Ha-hahaha!

Anyway, kung si Regine lang ang masusunod, ayaw sana niyang mag-artista si Nate, “Kung ako, ayaw ko. Kasi siyempre alam ko na medyo mahirap being in the business, ‘yung wala ka masyadong privacy.

“I also don’t want him to be in that position where he’s always being criticized, especially in his generation now. The social media is very cruel,” ani Regine.

Pero kung anuman daw ang maging desisyon ng bagets in the future, susuportahan pa rin nila ni Ogie ang anak. “Both his parents are in the business…kung one day ma-decide niya na ‘yan ang gagawin niya, wala naman akong magagawa kasi siya ‘yun eh.

May sarili siyang pagkatao and pangarap. I want for him to be able to do whatever he wants in life. Ayaw kong ako yung masunod,” pahayag pa ng Songbird.

Read more...