Alex biglang nanahimik matapos ang kontrobersyal na concert sa Araneta

alex gonzaga

Bakit biglang nanahimik si Alex Gonzaga pagkatapos ng “The Unexpected Concert” niya?

Sobrang naging busy ba sila sa pagbibilang ng kinita nila sa show o hindi pa rin maka-get over si Alex dahil hindi niya sukat akalaing napuno niya ang Big Dome at keber niya sa tsikang namigay lang ng free tickets ang production para lang mapuno ang Araneta?

Baka naman hanggang ngayon bossing Ervin ay dinidibdib niya ang nangyaring wardrobe malfunction sa kanyang concert dahil natalakan siya ng mommy niyang si Mrs. Pinty Gonzaga.

O, baka naman bisi-bisihan na siya uli dahil balik-taping na siya sa Inday Bote na parating panalo sa ratings game kung saan kasama pa rin niya sina Matteo Guidicelli, Kean Cipriano at ang mga kinatutuwaang mga duwende na sina Smokey Manaloto, Nikki Valdez, Nanding Josef at Alonzo Muhlach.

Kung ang ibang manonood ay galit na galit kay Connie Reyes sa Nathaniel ay ganito rin ang nararamdaman nila kay Aiko Melendez bilang si Fiona Navarro na siyang kontrabida sa buhay ni Inday Bote.

Abangan kung anu-ano pang pagpapahirap ang gagawin ni Fiona kay Inday ngayong unti-unti na niyang nalalaman ang mga sikreto ng dalaga.

Siyempre, patuloy din kayong pakikiligin nina Inday at Greg Navarro (Matteo) lalo na ngayong unti-unti na silang nade-develope sa isa’t isa.

Kaya huwag kaligtaang panoorin ang Inday Bote gabi-gabi sa Primetime Bida bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN sa direksiyon nina Jon Villarin at Malu Sevilla, mula pa rin sa Dreamscape Entertainment.

Read more...