HINDI na kinontra ng GMA 7 ang desisyon ni Janno Gibbs na lumipat sa TV5. Natuloy na nga ang paglayas nito sa Kapuso network after makipag-negotiate sa Kapatid station.
Mismong ang kasamahan ni Janno sa musical show na Sunday All Stars ng Siyete na si Regine Velasquez ang nagsabing tuloy na ang reunion project nina Janno at Ogie Alcasid sa TV5.
Balitang dalawang show agad ang gagawin nina Janno at Ogie – isang musical-game show at isang sitcom. Chika ng Asia’s Songbird sa presscon na ibinigay sa kanya PLDT Home bilang endorser ng kanilang Mother’s Day campaign TV commercial (PLDT Home Regine Telsets Series), “I’m happy, I’m happy na magkakatrabaho sila uli.
Kasi alam mo yung asawa ko, miss na miss na niya si Janno. “And I know also for a fact that Janno miss working with Ogie. So, I’m happy that they’re together again.
The tandem is back. Kasi alam naman natin na naging successful yung tandem na yun. “They’re both very talented, very funny, witty, and smart,” sey ni Regine.
Nagpaliwanag din si Regine kung bakit inayawan niya ang seryeng Let The Love Begin ng GMA 7 na pinagbibidahan nina Ai Ai delas Alas, Gardo Versoza at ng loveteam nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.
Dapat sana ay sila nina Ariel Rivera at Ai Ai ang magbibida sa nasabing soap ngunit hindi nga nagswak ang schedule niya sa taping ng programa. Si Donita Rose ang ipinalita sa kanya at si Gardo nga ang nakakuha ng role ni Ariel.
Dinenay ng Songbird na hindi niya feel makasama sina Ariel at Ai Ai sa isang teleserye kaya bigla siyang umatras, “I really want to work with Ai Ai, tsaka nagkatrabaho na kami ni Ariel sa Christmas special ng GMA last year, so wala namang issue.
Talagang schedule ang naging problema.” Inamin naman ni Regine na kung minsan ay talagang bitbit niya sa trabaho ang anak na si Nate, kaya natanong siya kung wala ba siyang plano na isama ang anak sa Saturday morning show niyang Sarap Diva tulad ng mag-inang Kris Aquino at Bimby?
“Minsan isinasama ko siya kasi natatawa lang ako. Karakter siya. So, pag nakikita niyo yung Instagram ko, karakter talaga siya. Akala niya 35 years old na siya.
“Sabi niya, ‘Okay mom, okay mom. Like this, ha,’ ginaganyan pa niya ako. But personally, ayoko sanang masyadong ma-expose sana. Masyado pang bata, e.
“I mean, I do Instagram kasi it’s my personal…it’s not a show. It’s just us, and that’s my account. It’s just us at the house taking pics and videos, yun lang yun. Pero kapag TV kasi, iba na yun. Ayokong maano na siya na magtatrabaho na siya,” tugon ni Regine.
Ayaw ba niyang sumikat si Nate tulad ni Bimby? “You know, si Bimby is a lot older… eight years old naman na siya, so medyo…” biting sagot ng Songbird.
Samantala, super excited na si Regine sa bagong endorsement niya for PLDT Home bilang bahagi ng Mother’s Day campaign ng kumpanya kung saan bibida ang new landline Telsets na tinawag na Regine Series.
Ang mga current subscribers ng PLDT landline ay mabibigyan ng chance para makapamili ng special packages para sa kanilang pang-araw-araw na buhay, depende sa inyong pangangailangan.
Kabilang na nga riyan ang murang NDD at IDD calls, chika nga ni Regine, perfect daw ang packages na ito sa lahat ng pamilyang may mga kamag-anak na OFWs sa Canada, China, Hongkong, Singapore, Guam at Hawaii.
Ayon pa kay Regine, matagal na silang may magandang partnership ng PLDT kaya hindi naging mahirap para sa kanya ang tanggapin ang offer ng kumpanya, at hindi rin daw naging issue sa kanila ang talent fee.