PATAY ang dalawa katao, samantalang sugatan naman ang limang iba pa matapos madaganan ang isang grupo ng mga trabahador ng mga bahagi ng 40-tons ng gumuhong bato sa gilid ng bundok sa Naujan, Oriental Mindoro kahapon bago magmadaling araw.
Dead on arrival ang dalawang manggagawa na nakilalang sina Eduardo Santos at Melchor Lus-ok, kapwa residente ng Baguio City, matapos isugod sa isang ospital, samantalang sugatan naman ang limang iba pa.
Sinabi ni Naujan police chief Supt. Neil Apostol na nangyari ang aksidente ganap na alas-1:30 ng umaga kahapon habang nagpapahinga ang mga manggagawa sa ilalim ng napakalaking bato na may sukat na dalawang metro ang taas sa Barangay Balite.
Idinagdag ni Apostol na nagtatrabaho ang mga biktima sa Sta. Clara Power Corp., na siyang nangangasiwa sa isang hydro power plant sa lugar.
Hindi naman malinaw kung ano ang tinatrabaho ng mga manggagawa, bagamat sinabi ni Apostol na Pebrero pa nang magsimulang magtrabaho sa lugar ang mga ito.
Gumagamit umano sila ng mga pampasabog para tibagin ang ilang bahagi ng bundok.
“There were blastings around 12 midnight (before the incident). It also rained heavily there for the last two days,” ssabi ni Apostol.
Aniya, nagbigay naman ang kumpanya ng mga benepisyo sa mga biktima.
2 patay, 5 sugatan matapos gumuho ang napakalaking bato
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...