Mga regalo ngayong Mother’s Day para sa mga Mom-to-be

Flats

Flats

Ngayong malapit na ang Mother’s Day marami sa atin ang naghahanda na ng “best gift” na maibibigay natin para sa mahal nating nanay. Ngunit wag natin kalimutan na isama sa selebrasyong ito ang mga mom-to-be. Narito ang ilang mga ideal gifts para sa mga nagbubuntis ngayong Mother’s day.
-Flats. Malaki ang maitutulong ng mga ‘flats’ para sa mga nagbubuntis. Hindi lang ito kumportable sa paa, matutulungan din nitong suportahan ang likod ng nanay. Maaari rin itong magamit ng mga mom-to-be sa pag-aalaga ng mga anak nila.


-Convertible maternity dress. Karamihan sa mga nagbubuntis ay nag-aalinlangan sa pagbili ng mga maternity dress dahil hindi ito praktikal na ideya lalo’t hindi ito magagamit ng madalas. Ngunit maaari na itong magamit kung bibigyan ng ibang style.


-Sleeping oils. Maraming sakit ang nararamdaman ng mga buntis na nagpapahirap sa kanilang pagtulog. Makakatulong ang mga essentials oil upang mas maging mahimbing ang tulog ng mga mom-to-be.


-Skincare products. Makakatulong sa mga buntis ang mga skincare products na maaaring gamitin ng mga nagbubuntis. Makakatulong ang lotion, shower gels at sunblock upang mawala ang mga strecthmarks at ma-relax ang balat ng mga nanay mula pagbubuntis.
-Buntis man o hindi, isa sa mga magandang pang-regalo sa mga nagbubuntis ang mga alahas tulad ng bracelet na makakatulong na pampaswerte sa buntis at sa baby. (Myca Fernandez)

Read more...