Nagsalita na rin si Mommy Dionisia Pacquiao na mas kilala sa tawag na Mommy D matapos siyang hanapin ng mga netizen sa laban ng kanyang anak na si Manny Pacquiao kay Floyd Mayweather, Jr.
Sinabi ni Mommy D na galit siya kay Mayweather dahil nandaya siya sa kanilang laban ni Pacquiao matapos namang matalo ang kanyang anak.
Nang natungin si Mommy D kung ano ang sasabihin niya kay Mayweather sakaling makausap niya ito, sinabing niyang nanalo siya sa pamamagitan ng pandaraya.
“Nanalo ka, Mayweather, sa daya mo,” sabi ni Mommy D sa panayam ng GMA-7.
Idinagdag ni Mommy D na kilala si Mayweather sa maruming paglalaro.
“Nagalit ako kasi marumi siya. Hindi makasuntok si Manny kasi niyakap niya. Nakita ko nasaktan siya, nasaktan si Mayweather,” ayon pa kay Mommy D.
Sinabi pa ni Mommy D na, “Sa likod, nakita ko ang kamay ni Mayweather, ginaganoon sa likod ang anak ko… Sabi ko, ‘Referee, referee!’ Wala, hindi napakinggan.”
Ayon pa kay Mommy D, dahil sa galit niya kay Mayweather, nais niyang siya na ang humarap sa Amerikanong boksingero.
“Kagabi pagsigaw ko, ‘Bagsakin mo na! Ako ang aakyat diyan,” sabi ni Mommy D.
MOST READ
LATEST STORIES