PNoy nagtalaga na ng bagong Comelec Chair
ITINALAGA ni Pangulong Aquino si Atty. J. Andres D. Bautista bilang bagong Chairman ng Commission on Elections (Comelec).
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na bukod kay Bautista, itinalaga rin ni Aquino sina Rowena Amelia V. Guanzon at Sheriff M. Abas bilang mga bagong Comelec Commissioner.
Idinagdag ni Valte na pinalitan ni Bautista ang nagretirong dating Comelec chairman Sixto Brillantes, Jr. Tatagal ang termino ni Bautista hanggang Pebrero 2, 2022.
Bago ang kanyang pagkakatalaga sa Comelec, nagsilbi si Bautista bilang chairman ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).
Pinalitan naman ni Guanzon ang nagretirong Comelec commissioner na si Lucenito N. Tagle samantalang ookupahan naman ni Abas ang dating puwesto ni dating Commissioner Elias R. Yusoph.
Sinabi pa ni Valte na pinirmahan ni Aquino ang appointment papers ng tatlong opisyal ng Comelec noong Abril 28, 2015.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.