Inday Bote patok na patok sa mga bagets; Aiko kinasusuklaman

By Ervin Santiago May 04,2015
share this

Inday Bote patok na patok sa mga bagets; Aiko kinasusuklaman

By Ervin Santiago May 04,2015
share this

alex gonzaga

Patuloy na humahataw sa ratings game ang Primetime Bida fantasy-comedy-drama series na Inday Bote na pinagbibidahan nina Alex Gonzaga, Matteo Guidicelli, Kean Cipriano at Aiko Melendez.

Kuhang-kuha ng programa ang atensiyon ng mga bagets dahil na rin sa nakakaaliw na mga dwendeng kaibigan ni Inday Bote (Alex). Kahit nga kami ay aliw na aliw kina Smokey Manaloto, Nikki Valdez, Nanding Josef at Alonzo Muhlach.

Inaabangan din ng manonood ang pang-aapi at pang-aalipusta ni Fiona Navarro kay Inday Bote na ginagampanan naman ni Aiko Melendez. In fairness, ang dami nang nagagalit at sumusumpa sa kasamaan ni Aiko sa serye patunay lang na effective siyang kontrabida.

Ngayong linggo, abangan kung anong susunod na plano ni Fiona kay Inday ngayong unti-unti na niyang nalalaman ang mga sikreto sa buhay ng dalaga. Siyempre, patuloy din kayong pakikiligin nina Inday at Greg Navarro (Matteo Guidicelli).

Hanggang saan naman ang magagawa ng kapangyarihan ng mga dwendeng kaibigan ng dalaga para iligtas siya sa kasamaan ni Fiona.

Tutukan ang nakakaaliw, nakakakilig at nakaka-in love na kuwento ng Inday Bote gabi-gabi sa Primetime Bida after TV Patrol sa ABS-CBN. Ito’y sa direksiyon nina Jon Villarin at Malu Sevilla.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending