Mayweather umaming saludo rin siya kay Pacquiao

manny site
PANALO man sa kanilang naging laban, nakuha naman ni Floyd Mayweather Jr. na magpakumbaba nang kahit konti.
“He’s a hell of a fighter, I take my hat off to Manny,” ayon kay Mayweather matapos niyang talunin ang Pambansang Kamao sa laban Linggo (sa Pilipinas) sa MGM Grand Garden Arena.
Nanalo si Mayweather via unanimous decision 118-110, 116-112, 116-112, sa  matchup of the best boxers ng kanilang henerasyon “Now I see why he’s one of the guys at the pinnacle of the sport.”
Sa laban na tumagal ng 12 rounds, si Pacquiao ay nagpakita nang buong agresibo habang pinatindi naman ni Mayweather kung saan siya magaling:  sa depensa. “I outboxed him,” paniwala ni Mayweather.
“He’s a tough competitor.”

Read more...