Pacquiao bigo kay Mayweather

Floyd Mayweather Jr., Manny Pacquiao

Nanatiling walang talo si Floyd Mayweather Jr. matapos na biguin si Manny Pacquiao kahapon sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada  at paluhain ang buong sambayanang Pilipino.

Pinaboran ng tatlong hurado (118-110, 116-112 at 116-112) si Mayweather para sa isang unanimous decision win. Ito ang ika-48 panalo ng undisputed welterweight champion na si Mayweather.

Hindi naman ikinatuwa ni Pacquiao ang naturang desisyon. Aniya, siya ang dapat na nanalo sa labang ito at hindi si Mayweather.

Ngayon pa lang ay umaasa na ang mga fans ni Pacquiao na magkakaroon ng rematch sa Setyembre.

Read more...