GERALD: OK kami ni SARAH, inspirasyon ko pa rin siya!

Hindi kami sure kung nagsasabi ng totoo o magaling lang talagang magtago ng sikreto itong si Gerald Anderson.

E, kasi nga, diretsahan niyang sinasabi na mas lumalalim pa raw ang friendship nila ni Sarah Geronimo gayung kalat na kalat na ang tsismis na hindi sila okay ngayon.

O, hindi ba’t may mga nagsasabi na naghiwalay na nga sina Gerald at Sarah, at ang sinasabing rason ay ang pagiging playboy ng aktor.

Pero ang sabi naman ni Gerald, okay na okay pa rin daw ang relasyon nila ng Pop Princess.

“Okay naman kami. We’re good. Kumbaga, ‘yung friendship namin, sobrang malalim na.

Marami na rin akong alam tungkol sa kanya at ganu’n din siya.

Sobrang inspirasyon siya sa akin.I’m actually happy sa development ng friendship namin, kung paano ko po siya nakilala,” ang litanya pa ng aktor sa isang interview.

Inamin naman niya na bihira na siyang makadalaw sa bahay nina Sarah dahil pareho na raw silang busy ngayon, “Pero nagpapasalamat talaga ako sa pamilya ni Sarah kasi kahit paano ay nagtiwala sila sa akin, na binigyan nila ako ng pagkakataon para mas makilala si Sarah,” sabi pa ni Gerald.

So, ano ba talaga ang totoo? Hiwalay na ba o hiwalay?

Read more...