Lovi Poe walang paki kahit nakawan ng halik

lovi poe

Napakainit ng pagtanggap ng mga taga-Lingayen, Pangasinan sa Kapuso leading lady na si Lovi Poe nang maging special guest ito sa selebrasyon ng kanilang Pista’y Dayat.

Pinagkaguluhan talaga ang gilfriend ni Rocco Nacino sa ginanap na Kapuso Night ng GMA sa Capitol Plaza ng Lingayen. Paglabas pa lang ng aktres sa stage ay tilian na ang kanyang fans.

At para magpasalamat sa napakainit na pagtanggap sa kanya ng mga Pangasinense, kahit medyo delikado, inikot talaga ni Lovi ang venue ng show kaya mas lalong nagsigawan ang audience.

Kanya-kanya silang selfie with the Kapuso award-winning actress, may iba pa nga na hindi na napigilan ang kanilang mga sarili at talagang pinupog ng halik at yakap si Lovi. At in fairness ha, halos lahat ay pinagbigyan ng aktres.

Kaya naman puro papuri ang naririnig namin para sa Kapuso star mula sa mga nakisaya sa ginanap na Kapuso Night. Naimbitahan kasi kami ng GMA 7 para saksihan ang dalawang events nila sa Pangasinan nitong weekend, una na nga ang ginanap na Kapuso Night sa Dagupan kasama sina Tom Rodriguez, Dennis Trillo at Kris Bernal at ito ngang Pista’y Dayat sa Lingayen kung saan nakasama naman ni Lovi sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Theirs is a different story kaya abangan n’yo ang kuwento namin kung paano nagkagulo ang mga taga-Lingayen sa dalawang Kapuso teen stars.

Samantala, nang matanong naman namin sina Rocco at Lovi kung napag-uusapan na nila ang kasalan, diretso nilang sinabi na wala pa silang planong lumagay sa tahimik.

Basta nag-eenjoy lang sila ngayon sa kanilang buhay at walang pressure pagdating sa family life. Magkakasama naman ang magdyowa sa bagong GMA TeleBabad series na Beautiful Stranger kung saan makakasama nila sina Heart Evangelista, Benjamin Alves, Christopher de Leon at marami pang iba.

Kuwento ni Lovi, ito na ang pinaka-challening na role na gagampanan niya sa isang teleserye dahil hindi lang isa, o dalawa ang karakter niya sa kuwento kundi apat kaya ‘yan daw ang abangan n’yo sa Beautiful Stranger.

Read more...