Mga pinoy sa iba’t-ibang bahagi ng Amerika sumugod sa Las Vegas para kay Pacquiao

manny pacman

Masarap bumiyahe ngayong umaga hanggang mamayang hapon. Walang kasingluwag ang mga kalye. Hindi rin nakakatakot magsuot ng mga alahas dahil pati raw ang mga mandurukot ay nangingilin ngayon.

Ngayon na ang pinakahihintay na Fight OF The Century, ngayong umaga na ang pakikipagsukatan ng lakas ng ating Pambansang Kamao sa kanyang kalabang mortal na si Floyd Mayweather, Jr. na panay-panay ang pagsigaw na kaya nitong patumbahin si Manny Pacquiao, ito na ang araw ng pagtutuos!

Siguradong inilaan na ng sambayanang Pilipino ang kanilang mahalagang oras sa pagtutok sa pakikipagbasagan ng mukha ng ating People’s Champ. Kakambal siyempre ng pagtutok ng buong bayan ang dasal na harinawa’y huwag mapatumba ni Mayweather si Pacman.

Bahagi ng dasal ng mga Pinoy ngayon ang hiling na hindi man mapabagsak ni Pacman si Mayweather ay magkaroon sana ng parehas na desisyon ang mga hurado sa kanilang laban.

Ang mga kababayan natin sa iba’t-ibang bansa ay magpapakita rin ngayon ng suporta at pagmamahal sa Pambansang Kamao, bumiyahe sila mula sa malalayong estado ng Amerika para lang magbigay-pugay sa ating kampeon, ganu’n kamahal ng mga Pinoy sa buong mundo si Manny Pacquiao!

Sabi nga ng ating mga kalahi, magtagumpay man siya o hindi ay kay Pacman pa rin kami, kaya mabuhay ang Pambansang Kamao!

Read more...